Total Liquor ban pinalawig pa sa Laguna nang hanggang Abril 11.


Pinalawig na rin ng Laguna provincial govt. ang umiiral na Liquor ban sa lalawigan nang hanggang Apr. 11. 
Muling ipinagbabawal sa lahat ang pagbebenta, pagbibigay at pagbili ng anumang uri ng nakalalasing na inumin sa laguna. 
Bukod dito, paiigting at palalawigin  rin ang curfew hour at control checkpoints sa lalawigan dahil sa patuloy na paglobo ng COVID-19 cases sa lugar. 
Nanawagan naman si Laguna Governor Ramil Hernandez sa publiko na kailangang sumunod sa ipinapatupad na health protocols upang maiwasan ang mabilis na paglaganap at pagkahawa ng naturang sakit. 

Please follow and like us: