Total liquor ban sa Laguna, patuloy na ipatutupad sa panahon ng MECQ

Hindi pa rin pinapayagan ang pagbebenta at pagkonsumo ng anumang uri ng alak sa Laguna sa panahon ng MECQ.

Sinabi ni Laguna Governor Ramil Hernandez na patuloy ang implementasyon ng total liquor ban sa lalawigan kahit niluwagan ng bahagya ang community quarantine.

Hinimok ng gobernador ang mga lokal na opisyal sa bawat bayan at lungsod sa Laguna na mahigpit na ipatupad ang nasabing kautusan.

Una nang sinabi ni Hernandez na ang liquor ban ay bahagi ng mga hakbang para mapigilan ang patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Laguna.

Moira Encina

Please follow and like us: