Trabaho sa DOLE central office at NCR pansamantalang sinuspinde

Pansamantalang suspendido ang trabaho sa main office ng Department of Labor and Employment sa Intramuros at regional office nito sa National Capital Region simula ngayong araw hanggang sa Lunes Enero 17.

Ayon Kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ito ay dahil sa mataas na kaso ng Covid-19 sa mga nasabing tanggapan.

Sa inilabas na memorandum ni Bello, sa Enero 18 pa magbabalik operasyon ang mga nasabing opisina.

Ayon kay Bello, nasa 128 ang bilang ng kanang mga opisyal at tauhan na tinamaan ng virus na katumbas ng 21 percent ng central office personnel’s ng DOLE.

Una rito, ipinag-utos na ng kalihim ang pagpapatupad ng alternative work arrangement sa mga tanggapan ng DOLE.

Madz Moratillo

Please follow and like us: