Trabaho sa mga Korte sa buong bansa ngayong Lunes, hanggang 3:30 ng hapon lamang

Maagang makauuwi ngayong araw ang mga kawani ng mga Korte sa buong bansa.

Sa abiso ng Korte Suprema, sinabi na hanggang alas-3:30 ng hapon lang ang trabaho sa mga Hukuman sa bansa para mahimok ang mga Court employees na bigyan ng mas maraming oras ang kanilang pamilya.

Ito ay alinsunod sa Proklamasyon Blg. 60 na nagdideklara sa huling linggo ng Setyembre bilang “Family Week.”

Una na ring naglabas ng memorandum ang Malacañang na nagsususpinde sa pasok sa mga opisina ng pamahalaan  mula 3:30 ng hapon ngayong Lunes.

Moira Encina

Please follow and like us: