Trader at manufacturer ng Petroleum products sa Occidental Mindoro, sinampahan ng Tax evasion sa DOJ ng BIR

Ipinagharap ng patung-patong na tax evasion complaint sa DOJ ng BIR ang isang petroleum products manufacturer at trader sa Occidental Mindoro dahil sa kabiguang magbayad ng buwis mula 2014 hanggang 2018.

Ayon sa BIR, kabuuang 3.59 million pesos ang hinahabol nila na buwis sa Mindoro Occidental Resources Corporation at mga Corporate officers nito.

Ang respondent ay sinampahan ng 32 counts ng hindi pagbabayad ng Value-Added Tax (VAT); 15 counts ng hindi pagbabayad ng  Expanded Withholding Tax; at 21 counts ng willful failure to pay o remit Withholding Tax on Compensation sa ilalim ng Section 255 ng National Internal Revenue Code.

Kabilang din sa inireklamo ang presidente ng korporasyon na si Jose C. Crisanto Jr., at ang Secretary at Treasurer na si Edgardo I. Crisanto.

Ang Korporasyon ay enrolled sa ilalim ng Electronic Filing and Payment System (eFPS) ng BIR.

Sa beripikasyon ng BIR, nabatid na bagamat nakapaghain ang respondent ng mga buwis para sa mga taong 2014 hanggang 2018, tanging ang binayaran lang nito ay ang VAT para sa unang quarter ng 2015 na mahigit 60,000 piso.

Sa ilalim ng panuntunan ng BIR, dapat bayaran ang eFPS E- Payment sa parehong araw na inihain electronically ang mga tax returns.

Moira Encina

Please follow and like us: