Travel ban sa 7 bansa extended hanggang June 30

Nagpaalala ang Bureau of Immigration sa mga biyahero na extended ang travel ban sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, at Oman hanggang sa Hunyo 30.

Matatandaang unang nagpalabas ang gobyerno ng travel ban sa mga nasabing bansa kasunod ng kaso ng Indian variant ng COVID-19.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang mga pasahero na may travel history mula sa mga nasabing bansa sa nakalipas na 14 na araw ay hindi rin muna papayagang makapasok sa bansa.

Nilinaw naman ni Morente na ang mga transiting passengers o may connecting flight sa mga nasabing bansa at hindi naman lumabas ng airport ay hindi sakop ng ban.

Nagpaalala rin ang BI na may umiiral paring restriction sa mga dayuhang turista sa bansa maliban sa foreign diplomats.

Madz Moratillo

Please follow and like us: