Travel ban sa mga bansang may mataas na kaso ng Delta variant, inirekomenda

Inirekomenda ni Senador Christopher Bong Go sa Inter-Agency Task Force na pag-aralan pa ang pagpapalawak ng travel ban sa mga bansang may mataas na kaso ng Delta variant ng Covid-19 tulad ng Thailand at Malaysia.

Sinabi ni Go, Chairman ng Senate Committee on Health, higit na mas mapanganib at nakakahawa ang sakit.

Dapat aniyang maging maagap ang gobyerno dahil nakakatakot kung marami na naman ang mahahawa at maulit ang pagtaas ng kaso lalo na sa Metro Manila.

Umapila rin ang Senador sa publiko na huwag maging kampante kahit nakatapos na ng dalawang doses ng bakuna.

Babala ng Senador kapag marami na naman ang nahawa, mapipilitan ang gobyerno na magpatupad ng mas mahigpit na quarantine restrictions na maaring magresulta ng pagsasara ng mga negosyo at pagkawala na naman ng mga trabaho.

Meanne Corvera

Please follow and like us: