Trece Martires City Cavite Inumpisahan nang bakunahan ang mga Senior Citizen

Sinimulan na ng Trece Martires City Government ang pagbabakuna sa kanilang mga senior Citizen sa bayan. 
Isinagawa ang pagbabakuna sa SM Mall sa Trece Martires City. 
Target ng mga opisyal ng city health office ng Trece Martires Cavite na makapagbakuna ng nasa 300 senior citizen kada araw. 
Ito ay para mabigyan na agad ng proteksyon laban sa virus ang mga kabilang sa A3 priority list sa kanilang lungsod. 
Bukod sa pagbabakuna sa mga senior citizen ay nagpapatuloy din ang pagbabakuna sa natitira pang mga front liner sa Trece Martires City. 

Please follow and like us: