Truck ban, muling ipatutupad simula bukas, May 17

Muling magpapatupad ng Truck ban ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) simula bukas, May 17.

Kasunod ito ng pagsasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

Dahil dito batay sa abiso ng MMDA, hindi papayagang bumiyahe ang mga truck sa mga kalsada ng Metro Manila mula alas-6:00 hanggang alas-10:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi.

Ito ay mula Lunes hanggang Sabado.

Hindi naman kasama sa ban ang mga truck na may lulang Agricultural food products at mga may kargang perishable goods.

Nanatili ring suspendido ang number coding scheme sa National Capital Region.

Please follow and like us: