TUCP suportado ang tambalang BBM- Sara sa eleksyon

Nagpahayag na rin ng suporta ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa tambalan nina presidential candidate Bongbong Marcos Jr. at vice-presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte.

Ayon kay TUCP spokesperson Alan Tanjusay, ito ay batay na rin sa serye ng mga konsultasyon sa kanilang mga miyembro sa buong bansa.

Kabilang rito ang iba pang labor groups at mga miyembrong rank-and-file employees.

Ang TUCP aniya ay may humigit kumulang 1.2 milyong miyembro.

Nagkaroon rin aniya sila ng konsultasyon sa mga manggagawa sa major industries gaya sa service, agriculture, at manufacturing na kinonsulta sa pamamagitan ng online at hybrid face-to-face meetings mula pa noong nakaraang taon.

Dagdag pa ni Tanjusay, masyadong malaki ang lamang ng nakuhang boto mula sa kanilang mga miyembro ng tambalang Marcos at Duterte kung ikukumpara sa iba pang mga kandidato sa pagka-pangulo at pangalawang- pangulo.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us: