Turn-over ng panibagong Nutrition Center para sa 2 pampublikong paaralan naging matagumpay

Masayang ibinalita ni Tarlac city Mayor Cristy Angeles, na naging matagumpay ang isinagawang turn-over ceremony ng dalawang panibagong Nutrition Center, na inilaan para sa Maliwalo Elementary School at Batang-Batang Elementary School sa Tarlac City nito lamang May 14 2021.

Sa kasalukuyan, apat (4) na ang itinayong Nutrition Center sa lungsod. Ang dalawang naunang Nutrition Center ay matatagpuan sa San Miguel Elementary School at San Jose Elementary School.

Ang mga nasabing pasilidad ay ipinatayo ng Rise and Rebuild International Foundation.

Ayon sa alkalde, ang apat (4) na gusali ay kumpleto sa mga kagamitan na magagamit sa paghahanda ng mga masusustansyang pagkain para sa mga batang mag-aaral, na makakatulong upang patibayin, palakasin at mapangalagaan ang kanilang resistensiya at kalusugan.

Buong Puso namang pinasalamatan ni City Mayor Cristy Angeles ang Rise Rebuild Foundation, dahil sa pinili ang lungsod upang pagtayuan ng mga Nutrition Center lalo na ngayong nararanasan ang pandemya.

Ulat ni Rizza Castro

Please follow and like us: