Unang batch ng Sinovac vaccine, dumating na sa Ilocos Norte

photo_2021-03-06_13-44-43-1

Dumating na sa Ilocos Norte, ang 2,446 doses ng Sinovac vaccine, kagabi, Marso 5.

Ito ang initial allocation ng bakuna para sa nasabing lalawigan mula sa Dept. Of Health (DOH).

Pansamantalang i-imbak sa Provincial Health Office ang mga nasabing bakuna.

Samantala, inaasahang sisimulan ang pagbabakuna sa mga pampublikong ospital gaya ng MMMH at MC, GRBASMH, at LCGH, ngayong araw, Marso 6.

Ulat ni Darren Matias