Unang COVID vaccination sa labas ng NCR, isinagawa sa Antipolo, Rizal


Sinimulan na rin ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa labas ng NCR.

Ayon sa Rizal Provincial Government, ang Antipolo ang unang LGU sa labas ng Metro Manila ang nagsagawa ng COVID vaccination program.

Ginanap ang ceremonial vaccine rollout sa Antipolo City Hospital System-Annex 4.

Kabuuang 300 doses ng CoronaVac ang natanggap ng Antipolo City mula sa DOH.

Ang mga unang binakunahan ay ang mga hospital chiefs at health workers mula sa apat na pampublikong ospital sa Antipolo.

Moira Encina

Please follow and like us: