Unang regional roll signing ng mga bagong abogado sa Mindanao, isinasagawa sa Cagayan de Oro

Umarangkada na ang kauna-unahang regional roll signing ng mga bagong abogado sa Mindanao.

Isinasagawa ang regional roll signing sa Mallberry Suites Business Hotel sa Cagayan de Oro City, Misamis Oriental.

Magtatagal ang paglagda sa roll of attorneys ng mga pumasa sa nakaraang bar exams sa nasabing lugar hanggang Mayo 28.

Ang unang batch ng signing sa NCR at Luzon ay idinaos mula May 4 hanggang May 24 sa Korte Suprema sa Maynila.

Courtesy: SC PIO

Pero muling magkakaroon ng roll signing ng panibagong batch ng mga abogado sa Supreme Court mula June 6 hanggang June 17.

Idaraos naman ang roll signing sa Visayas sa
Integrated Bar of the Philippines Building sa Cebu City mula May 30 hanggang June 3.

Tanging ang mga dumalo sa oath taking ceremony sa MOA Arena ang maaaring makalagda sa roll of attorneys.

Moira Encina

Please follow and like us: