US Embassy nagbigay ng medical support sa DND kaugnay sa Sulu plane crash

Katuwang ng Department of National Defense (DND) ang US Embassy sa pagkakaloob ng medical assistance sa mga nasugatan sa pagbagsak ng C-130 plane sa Patikul, Sulu.

Ayon kay US Embassy Chargé d’Affaires John Law, handa ang embahada na magbigay pa ng dagdag na tulong sa Pilipinas kung kinakailangan.

Samantala, tiniyak din ni US Secretary of Defense Lloyd Austin III na patuloy silang magkakaloob ng suporta sa DND bilang tugon sa trahedya.

Nakikiramay din ang dalawang opisyal sa Pilipinas at pamilya ng mga pumanaw na sundalo at sibilyan.

Moira Encina

Please follow and like us: