US President Donald Trump at First Lady Melania, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa coronavirus si US President Donald Trump at ang First Lady an si Melania Trump.

Ito mismo ang inihayag ni Trump, kung saan sinabi nito na agad silang sasailalim ng kaniyang misis sa quarantine at recovery process.

Ayon sa White House doctor na si Dr. Sean Conley, ang mag-asawang Trump na mabuti naman ang kalagayan, ay iku-quarantine sa loob ng White House.

Ipagpapatuloy din aniya ni Trump ang trabaho nito habang naka-quarantine, subalit inalis na sa schedule ng pangulo ang kaniyang Florida campaign trip.

Samantala, bumagsak ang US stock matapos ipahayag ni Trump na siya at ang kaniyang misis ay kapwa nagpositibo sa covid-19.

Ang Dow ay bumagsak ng 1.7 percent, at ang S&P 500 ay nabawasan ng 1.6 percent, lumakas naman ang yen kontra dolyar.

Agence France-Presse

Please follow and like us: