Utang ng Philhealth sa mga ospital, pinababayaran na ng Malakanyang

Pinaalalahanan ng Malakanyang ang Philippine Health Insurance (Philhealth) na bayaran na ang mga pagkakautang sa mga ospital.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na nakarating sa Office of the President ang hinaing ng mga hospital owner hinggil sa hindi nababayarang obligasyon ng Philhealth.

Ayon kay Roque sinabihan na ng Malakanyang si Philhealth President Atty. Dante Gierran na ayusin ang financial obligations sa mga hospital upang hindi maapektuhan ang kanilang operasyon at serbisyo lalo na ngayong dumarami ang mga pasyenteng tinatamaan ng Delta variant ng COVID 19.

Ang Philhealth ang pangunahing sumasagot sa mga hospital bills ng mga nagkaroon ng COVID 19 mula ng tumama ang pandemya sa bansa noong nakaraang taon.

Vic Somintac

Please follow and like us: