Vaccine Czar Carlito Galvez, nabakunahan na ng Sinovac vaccine

Nabakunahan na ng Sinovac anti-Covid-19 si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa ginagawang Vaccination activity sa Philippine General Hospital (PGH).

Ayon kay Galvez, target nilang matapos ang pagbabakuna sa mga Healthcare worker ngayong buwan ng Marso.

Tiniyak ng opisyal na walang Health workers ang maiiwan sa Vaccination program na ito at lahat ay bibigyan ng alokasyon.

Para matupad ito, aminado si Galvez na nakasalalay pa rin ito sa magiging dating ng mga bakuna.

Tiniyak naman ng opisyal na darating parin ang Covid-19 vaccines ng Astrazeneca, na na-delay lamang dahil sa logistical problem.

Mahigit 500,000 doses aniya na inisyal na bakuna ng Astrazeneca ang inaasahang darating sa bansa.

Sa kabuuan 3.5 milyong doses aniya ng Astrazeneca vaccines ang pangako ng Covax Facility sa bansa.

Madz Moratillo

Please follow and like us: