Vaccine registrants sa Biñan City, Laguna, umabot na sa higit 105,000

Patuloy na hinihikayat ng lokal na pamahalaan ng Biñan City, Laguna ang mga residente ng lungsod na magparehistro na para sa COVID-19 vaccination program.

Sa pinakahuling tala sa Biñan COVID registration nitong 6:00pm ng Hunyo 8, kabuuang 105,682 indibidwal pa lamang ang rehistrado sa lungsod para sa mass vaccination.

Ang nasabing bilang ay wala pa sa kalahati ng mahigit 251,000 eligible population ng Biñan City.

Sinabi ng Binan City LGU na ang iskedyul ng pagbabakuna ay depende sa petsa ng registration at sa suplay ng bakuna galing sa national government.

Samantala, umaabot sa 138 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Biñan City base sa datos ng city health office noong June 7.

Moira Encina

Please follow and like us: