Villa Apolonia Subd. sa Naic, Cavite, isinailalim sa lockdown

Isinailalim sa lockdown ang Villa Apolonia Subdivision sa Barangay Ibayo Silangan, Naic Cavite.

Ito ay upang ma-contain ang dumaraming bilang ng mga nagpopositibo sa Covid-19.

Sa Executive Order na ipinalabas ni Mayor Junio Dualan, nakasaad na simula ngayong araw, September 3 ang pagpapatupad ng lockdown hanggang September 9.

Sa ilalim ng lockdown, hindi pahihintulutang lumabas ng kanilang mga bahay ang mga residente ng subdivision maliban na lamang kung may pasyenteng kailangang isugod sa pagamutan.

Mahigpit ding ipatutupad ang Stay at home policy sa at ang tanging papayagan lamang lumabas ng bahay ay mga Authorized person outside residence.

Jet Hilario


Please follow and like us: