Voter registration,pinalawig ng Comelec hanggang October 30

Pinalawig na ng Commission on Elections ang voter registration.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, batay sa napagdesisyunan sa Commission en banc ang extension ng pagpaparehistro ay mula Oktubre 11 hanggang 30.

Mula Lunes hanggang Byernes 8am hanggang 5pm.

Wala namang registration sa araw ng Sabado, maliban sa huling araw ng registration na Oktubre 30.

Para naman sa registration ng overseas voters, pinalawig rin ito ng Comelec ng mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 14.

Ayon kay Jimenez, unanimous ang desisyon ng en banc para sa voter registration extension.

Madz Moratillo

Please follow and like us: