Voters registration, muling ipagpapatuloy ngayong araw

Simula ngayong araw, muling ipagpapatuloy ng Commission on Elections ang Voter registration. 

Una ng sinuspinde ang voter registration nitong mga nakaraang araw para bigyang daan ang pagdiriwang ng Holiday season. 

Ang mga nais magparehistro ay maaaring magtungo sa lahat ng tanggapan ng Comelec mula Lunes hanggang Huwebes, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Ang araw kasi ng Biyernes ay inilaan para sa disinfection ng Comelec offices. 

Nagpaalala naman si Comelec Spokesperson James Jimenez na kumuha ng appointment at voter registration application form online sa pamamagitan ng irehistro.comelec.gov.ph

Mahigpit naman ang paalala ni Jimenez na sagutan ang application form pero huwag muna itong pipirmahan.

Bilang pag iingat naman sa COVID-19, nagpaalala ang Comelec na magdala ng sariling ballpen, magsuot ng face mask  at face shield at sumunod sa physical distancing.

Madz Moratillo

Please follow and like us: