VP Robredo posibleng isabak sa presidential race sa 2022

Ikinukunsidera ng Liberal party na isabak sa presidential race sa 2022 elections si Vice president Leni Robredo .

Sinabi ni LP president at Senator Francis Pangilinan na si Robredo kasi ang isa sa mga mataas na opisyal ng partido na sya ring pinakamataas na elected official.

Gayunman, wala pa aniyang pinal na desisyon si Robredo hinggil dito.

Tutol naman ang Senador sa plano ng Commission on elections na ipagbawal ang face to face campaigning.

Masyado raw itong restrictive para sa kandidato bukod pa sa hindi naman lahat ng botanta may internet na maaring makita ang mga plataporma ng mga kandidato.

Ipinanukala nito na payagan pa ang kampanya pero bawal ang malalaking pagtitipon at dapat matiyak na nasusunod ang mga safety health protocols.

Meanne Corvera

Please follow and like us: