VP Robredo umalma sa red-tagging sa kanyang mga tagasuporta

Nilinaw muli ni Vice-President Leni Robredo na hindi siya makikipag-alyansa sa alinmang grupo na gumagamit ng dahas.

Sa harap ito ng muling red-tagging kay Robredo at sa mga supporters nito.

Kumbinsido si Robredo na ang walang tigil na pag-ugnay sa kanya sa CPP-NPA ay para pigilan ang momentum sa kanyang kampanya.

Aniya nagsimula ang red-tagging sa kanilang kampo nang sunud-sunod na dagsain ng mga tao ang kanilang campaign rallies.

Tiniyak ni Robredo na handa niyang tulungan at ng volunteer lawyers ang mga supporters nito na maaaring ma-harass dahil sa pagkonekta sa mga ito sa komunistang grupo.

Moira Encina

Please follow and like us: