Wage increase petition ng mga grupo ng mga manggagawa , ipinauubaya ng Malakanyang sa mga Regional wage and Productivity board

Hintayin na lamang ang desisyon ng mga Regional Wage and Productivity Board kaugnay ng kahilingan ng ibat-ibang grupo ng mga manggagawa na magkaroon na ng umento sa sahod.

Sagot ito ng Malakanyang sa pamamagitan ni Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar, hinggil sa panawagan ng mga manggagawa na tulungan sila ng Palasyo para maitaas ang minimum wage bago bumababa sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo.

Sinabi ni Andanar nasa kamay ng mga Regional Wage and Productivity Board ang desisyon kung pagbibigyan ang kahilingang wage increase.

Batay sa petisyon ng Trade Union Congress of the Philippines o TUCP dapat ng gawing 1007 pesos ang arawang sahod ng mga manggagawa mula sa dating 537 pesos dahil sa pagtaas ng halaga ng mga bilihin dulot narin ng sunod-sunod na pag-alagwa ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

Vic Somintac

Please follow and like us: