Walang banta ng tsunami – PHIVOLCS

Walang banta ng tsunami sa bansa.

Ito ang inihayag ni PHIVOLCS Director Renato Solidum matapos maitala ang magnitude 6.3 na lindol sa Calatagan, Batangas.

Ayon kay Solidum , dahil sa masyadong malalim ang lindol ay wala ring inaasahang pinsala ang lindol.

Bagamat walang banta ng tsunami ay asahan naman ang mga aftershock.

Kaya patuloy ang paalala ni Solidum sa publiko na dapat laging nakahanda sa posibleng pagtama pa ng mas malakas na lindol.

Aniya ang Manila trench ay posibleng magdulot ng magnitude 8.3 na lindol kapag ito ay gumalaw.

Please follow and like us: