Walo patay, habang 15 ang nasaktan sa isang bus accident sa Mexico

Hindi bababa sa 8 katao ang nasawi at 15 iba pa ang nasaktan, sa isang aksidente sa bus malapit sa isang sikat na Mexican resort ng Cancun.

Ayon sa local media, ang ADO bus company na may lulang 45 mga pasahero na ang ilan ay mga dayuhan, ay patungo sa Cancun galing sa Merida City na katabing estado ng Yucatan.

Batay sa paunang imbestigasyon, ang bus ay bumaligtad matapos bumangga sa isang trak na ginagamit ng gobyerno sa konstruksiyon ng Mayan tourist train sa lugar.

Agad sumugod sa crash site ang paramedics at rescue services, para dalhin ang ilang nasaktan sa Cancun General Hospital.

Ang Cancun ay isa sa pangunahing beach destinations sa Mexico, at malimit bisitahin ng lokal at dayuhang mga turista.

Please follow and like us: