Walo sa naunang natukoy na positibo sa Delta variant, nagpositibo ulit sa COVID-19

Kinumpirma ng Department of Health na walo sa mga natukoy na nagpositibo sa Delta variant ng COVID-19 pero una ng naireport na nakarekober ang positibo sa virus.

Ito ay ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire, matapos isailalim sa retest nang matukoy na nagkaroon sila ng Delta variant.

Ang 8 na ito ay mula sa 16 na bagong kaso ng Delta variant na unang natukoy ng Philippine Genome Center.

Ang isa aniya rito ay taga Maynila, ang 4 ay taga Cagayan de Oro, 1 ay taga Misamis Oriental at 2 naman ang returning overseas Filipinos.

Ayon kay Vergeire, asymptomatic naman ang mga ito at kasalukuyang naka quarantine.

Kailangan aniyang makatapos ang mga ito ng 14 na araw na isolation sa Quarantine facility bago sila pauwiin.

Madz Moratillo

Please follow and like us: