Walong aplikante pasok sa shortlist ng JBC para sa mababakanteng puwesto sa SC

Isinumite na ng Judicial and Bar Council sa Malacañang ang shortlist para sa mababakanteng associate justice post ng Korte Suprema.

Walo ang nominado na pasok sa listahan ng JBC.

Kabilang sa mga ito sina Commission on Audit Chair Michael Aguinaldo at Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, at Sandiganbayan Associate Justice Geraldine Faith Econg.

Gayundin, sina COMELEC Commissioner Antonio Kho Jr., Deputy Court Administrator Raul Villanueva, at Court of Appeals Associate Justices Apolinario Bruselas Jr., Maria Filomena Singh, at Ramon Cruz.

Ang mapipili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang papalit kay SC Justice Rosmari Carandang na magreretiro sa Enero 9, 2022.

Moira Encina

Please follow and like us: