Wang wang at blinkers, papayagan sa panahon ng emergency

Nilinaw ng PNP Highway Patrol Group na maari pa ring gumamit ng mga blinker at wangwang ang mga sasakyan ng gobyerno sa panahon ng emergency.

Pero ayon kay Police Captain Bingsky Foncardas, pawang mga marked government vehicles lang ang maaring gumamit ng wang wang o blinkers at hindi kasama rito ang mga private cars ng sinumang empleyado o opisyal ng gobyerno.

Maliban dito wala ng binigyan ng pahintulot na gumamit ng sirena o wang wang.

Pero paglilinaw ng HPG, maliban sa matataas na opisyal ng gobyerno mula Pangulo hanggang House speaker may mga personalidad at negosyante silang binigyan ng road assistance o escort sa daan para sa kanilang kaligtasan.

Meanne Corvera

Please follow and like us: