Wildfires sa US , patuloy na lumalaganap

Lalo pang lumalaganap ang wildfires sa iba’t ibang lugar sa Estados Unidos.

Ayon sa mga awtoridad , nasa mahigit isang milyong acres na ng mga kagubatan ang napinsala ng sunog sa Western States at maging sa Canada.

Samantala, kasalukuyan namang sinasalanta ng sunog ang Fremont – Winema National forest sa Oregon.

Mahigit na sa 150,000 acres ng kagubatan ang napinsala ng sunog at nanganganib na maapektuhan nito ang power supply sa California.

 Agence France-Presse

Please follow and like us: