Heavy rainfall alert, itinaas sa ilang lugar sa Luzon dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan

Nagbabala ng matinding pagbaha ang PAGASA sa mga lalawigan ng Zambales, Bataan at Pampanga.

Ito’y matapos isailalim sa Orange warning alert ang mga nasabing lugar ngayong 11:00 am forecast ng weather bureau bunsod ng nagpapatuloy na pag-ulan dala ng Habagat.

Samantala, nasa Yellow warning naman ang Metro Manila, Tarlac, at Bulacan.

Pinag-iingat naman ang mga residente sa mga pagbaha lalu na ang mga naninirahan sa mababang lugar.

Habang light to moderate rains naman ang inaasahang iiral sa susunod na 3 oras sa Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Kasama rin sa uulanin ang Nueva Ecija at Cavite.

Please follow and like us: