₱50B na pondo para sa anak ng mga sundalo, ipinangako ni Pangulong Duterte bago magtapos ang termino sa 2022
Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na bago magtapos ang kanyang termino sa taong 2022 ay sisikapin niyang makakalap ng ₱50 billion na pondo para sa anak ng mga sundalo sa bansa.
Ayon sa Pangulo, ang naturang halaga ay gagamitin para sa edukasyon ng mga anak ng government servicemen.
Ito ang inihayag ni Duterte kasabay ng kanyang pagbisita sa 4th Infantry Division Advance Command post sa Bancasi, Butuan City.
Kasabay nito, ipinangako rin ng Pangulo ang kanyang suporta sa lahat ng mga sundalong Pinoy.
Dagdag ng Pangulo, ang mga programa ng kasalukuyang administrasyon ay ide-dedicate sa pamilya ng mga sundalo.
