10-day Voter Registration para sa BSKE, simula na ngayong araw, Aug. 1

0
comelec

photo c/o Comelec

Target ng Commission on Elections (COMELEC) ang isang milyong bagong botante para sa itinakdang 10 araw na voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Disyembre ngayong taon.

Ngayong unang araw ng Agosto sinimulan na ang pagpaparehistro na tatagal hanggang August 10.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, dahil maikli lang ang panahon nila€ ay susulitin nila ito.

Maliban sa 8:00 am hanggang 5:00 pm na voter registration, magkakaroon rin ng hanggang gabi para sa mga hindi puwede sa araw.

Maging sa mga terminal ng bus at paliparan ay may satellite voter registration rin.

Para sa listahan ng mga areas for voter registration ay magtungo lamang sa official website ng COMELEC NA comelec.gov.ph o sa kanilang social media pages.

TL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *