10 years validity ng pasaporte inaprubahan na ng senado
Lumusot na sa third at final reading sa Senado ang panukalang palawigin pa ng sampung taon ang bisa ng pasaporte mula sa kasalukuyang limang taon.
Labingwalong Senador ang bumoto pabor sa Senate Bill 1365 o Philippine Passport Act..
Ayon kay Senador Cynthia Villar, Vice Chair ng Senate Committee on Foreign Relations, mas mapapadali na ngayon ang pagbiyahe sa ibang bansa.
Malaking tulong rin ito sa mga Overseas Filipino Workers dahil mababawasan rin ang kanilang mga bayarin sa paglabas ng bansa.
Sa kasalukuyan 950 pesos ang binabayaran sa pagkuha ng pasaporte pero tataas ito ng 1200 pesos kada taon para sa mga nais na pabilisin ang proseso.
Pagtiyak ni Villar, hindi malulugi ang gobyerno sa inaprubahang panukala.
Sa pagtantiya ng Dept of Foreign Affairs, aabot sa apat na bilyong piso kada taon ang kinikita ng gobyerno sa pagkuha ng pasaporte.
Pero iginiit ng Senador na kada taon tumataas ang bilang ng mga kumukuha ng pasaporte.
Ulat ni: Mean Corvera