12 hanggang 20 Senador, posibleng bumoto para tumalima sa kautusan ng SC sa VP Sara impeachment

0
download

Posibleng umabot sa 19 hanggang 20 Senador ang bumoto para tumalima sa utos ng Korte Suprema na nagsasabing unconstitutional ang reklamong impeachment laban kay Vice-President Sara Duterte-Carpio.

Ayon kay Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada, ito ay batay sa sentimyento ng mga kapuwa senador matapos nilang talakayin ang desisyon ng Kataas-taasang Hukuman nang magpatawag ng all-member caucus nitong Martes.

Sabihin natin, to abide by the ruling. mga 19 to 20… Karamihan ang mga sentimyento ng kapuwa senador ko is to abide by the ruling of the Supreme Court. Sa salita nila, mahahalata mo naman kung sino”- Sen. Jinggoy Estrada

Ang pagsang-ayon na sundin ang Supreme Court ruling ay katumbas aniya ng tuluyang pag-dismiss o pagbasura ng Senado sa Articles of Impeachment.

Sabi pa ng Senador, dapat lang na sundin ang ruling ng Supreme Court dahil ang mga desisyon o hatol nito ay bahagi na ng mga batas ng bansa.

Hindi rin aniya nila hihintayin ang balak ng Kamara de Representante na pag-apela dahil immediately executory ang ruling ng Supreme Court.

Gaya ng ilang kasamahan, nagbabala si Estrada na maaaring humantong sa constitutional crisis at kaguluhan kapag hindi sila tumalima sa kautusan ng SC.

“We have to follow the ruling of Supreme Court dahil kapag hindi namin susundin ang SC, sino pa susundin namin? Meron nga nagsabi mas makapangyarihan ang Impeachment court sa Supreme Court, I beg to disagree. Kami mga mambabatas, gumagawa ng batas tapos di susunod sa batas?”- Sen. Jinggoy

Maisasapinal  aniya ang  desisyon ng Senado sa susunod na linggo para pagdebatehan at pagpasyahan ang gagawin sa ruling ng Korte Suprema.

Sa kaniyang assessment sa nais ng mayorya ng mga kapuwa Senador, magdedesisyon sila rito bilang legislative body at hindi na magko-convene pa ang Senado bilang Impeachment Court.S

Sa ngayon, pinaiikot sa Senado ang isang resolusyon na humihiling na irekonsidera o repasuhin ng Supreme Court ang kanilang ruling.

Nakalagda sa resolusyon sina Senador Fracis “Kiko” Pangilinan na bumalangkas sa resolusyon, kasama sina Senador Bam Aquino at Risa Hontiveros at Senate Minority leader Vicente Sotto III.

Meanne Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *