14 na Pinoy sisikaping maisama ni Duterte pabalik ng Pilipinas

0
dfa2

Labing-apat na Pilipino na nakulong sa Russia ang inaasahang makakasabay ni Pangulong Rodrigo Duterte na uuwi sa Pilipinas.

Ang nasabing mga Pinoy ay kabilang sa mga biktima ng illegal recruitment at dinakip sa Russia noong May 16.

Ipinaliwanag ni Foreign Affairs Assistant Secretary Maria Cleofe Natividad kaagad na pinakawalan ang nasabing mga Pinoy matapos mapatunayang biktima sila ng illegal recruitment.

Pero iniimbestigahan pa rin ang tatlo na nakakulong sa isang immigration facility sa Moscow.

Excited na rin ang mga Pilipin sa Russia dahil dadalaw rin si Pangulong Duterte sa  Filipino Community roon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *