1,540 na kasong pang-aabuso ng mga pulis, iniimbestigahan na ng PNP
Iniimbestigahan na ng Philippine National Police ang 1,540 na kasong pang-aabuso ng mga pulis kaugnay sa giyera kontra illegal na droga.
Ayon kay Chief Supt. Dennis Siervo, PNP Human Rights Affairs Office chief, mayroon ng 17 pulis na ang tinangal sa serbisyo dahil sa paglabag sa human rights.
Sinabipa ni Siervo na bumaba na ang mga kaso sa mga pang-aabuso ng mga pulis.
Paliwanag ni Siervo, 174 na pulis ang lumabag sa human rights noong 2014, 131 noong 2015, 105 noong 2016 at 56 lamang ngayong January hangang February ng 2017.
Dagdag pa ni Siervo na ang ibang kaso ditoay harassment laban sa pulis habang ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho.
Ulat ni: Carl Marx Bernardo
