2.6 million na kaban ng bigas , nakaimbak sa ibat ibang pantalan sa Pilipinas

0
bigas sa pier

Ibinunyag ni SINAG Chairman Rosendo So na mayroong may 2.6 million na kaban ng bigas mula sa ibang bansa ang nakatambak lamang sa ibat ibang pantalan ng bansa.

Sa panayam ng Eagle in Action sinabi ni So, na ang tinatayang 100, 000 metriko toneladang bigas na mula sa Thailand at Vietnam na kapag naibenta ito sa merkado ay aabot sa 4.6 billion pesos ang posibleng kitain ng gobyerno.

Ayon kay So, noong Marso lamang dumating sa mga pantalan ang mga bigas at nakapost din aniya ang shipment ng bigas sa website ng NFA kaya dapat matukoy kung sino ang nagpapahinto ng paglabas ng mga nabanggit na kargamento

Dahil dito, sinabi ni So na dumulog na sila kay Senadora Cynthia Villar, head of the Senate committee on Agriculture and Food para maimbestigahan na sa Senado ang sitwasyon ng bigas sa bansa.

“Bakit mag-aangkat pa eh meron pang bigas sa mga pantalan, at gusto rin nating mag explain ang agency para malaman ng taumbayan ang dapat gagawin sa rice kasi nagpoprotesta sila ng importation gayung may aanihin pa tayo ngayong june dahil sa may nagtanim naman nitong dry season dapat i-estimate nila kung ilan ang projection nila kung ilan ang aanihin bago tayo aangkat sa ibang bansa”. – So

Ulat ni: Marinell Ochoa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *