20,000 seafarers, 15,000 cruise passengers na-trap sa Gulf dahil sa labanan sa Gitnang Silangan

0

A map showing the Strait of Hormuz and Iran is seen behind a 3D printed oil pipeline in this illustration taken June 22, 2025. REUTERS/Dado Ruvic/Illustration/File Photo

Humigit-kumulang sa 20,000 seafarers at 15,000 cruise ship passengers ang na-stranded sa Gulf dahil sa Middle East war, ayon sa International Maritime Organization (IMO) ng United Nations (UN).

Ayon sa maritime sector, ibinilang nilang “warlike operations area” ang Strait of Hormuz, Gulf of Oman at Gulf, at nagkaloob ng dagdag na proteksyon sa seafarers dahil apektado na ng Middle East war ang mahahalagang energy transit route.

Simula nang sumiklab ang labanan noong Sabado, nakapagtala na ang IMO ng pitong insidente na kinasasangkutan ng mga barko sa rehiyon na nagresulta sa dalawang pagkamatay at pagkasugat ng pitong iba pa.

Isinara na ng Iran ang Strait of Hormuz, kung saan dumaraan ang mga barkong nagbibiyahe ng nasa 1/5 ng krudo ng buong mundo at malaking bahagi ng suplay ng liquefied natural gas.

Ilang shipping groups, kabilang ang Danish shipping giant na Maersk, ang nagsuspinde na ng bookings sa Gulf.

Ayon sa maritime employers at mga unyon na kumakatawan sa kanilang mga manggagawa, “The  upgraded designation of the Strait of Hormuz, Gulf of Oman and Gulf from a ‘high risk area designation’ three days ago ‘reflects the continuing and heightened threat’ to seafarers and vessels operating in the region.”

Nakasaad naman sa joint statement mula sa International Transport Workers’ Federation (ITF) at Joint Negotiating Group na kumakatawan sa maritime employers, “Hundreds of vessels are stranded in the Gulf following the halt of vessel movements through the Strait of Hormuz, highlighting the scale of disruption and risk facing civilian crews in the region.”

Inaangkin ng Revolutionary Guards ng Iran ang “buong kontrol” sa Strait, na may mga ulat ng dagdag na mga barkong inaatake.

Ayon sa energy intelligence firm na Kpler, bumagsak ng 90% mula sa nakalipas na linggo ang pagbiyahe ng mga tanker sa Strait.

Sinabi naman ni US President Donald Trump, na dahil sumisirit na pataas ang halaga ng enerhiya kaya handa aniya ang US Navy na mag-escort sa oil tankers sa pagdaan sa krusyal na shipping route.

Ang Benchmark US oil contract, West Texas Intermediate, ay sumirit ng mahigit sa five percent o $78.88 per barrel sa trading nitong Huwebes, ang pinakamataas na lebel simula Enero ng 2025, dahil na rin sa banta sa suplay ng giyera sa Iran.

Tumalon naman ang international benchmark, Brent North Sea crude, ng 3.6 percent o $84.34 per barrel.

Samantala, klinasipika na rin ng maritime sector bilang “Warlike Operations Area” ang iba pang rehiyon tulad ng ilang bahagi ng Sea of Azov, northern Black Sea, southern Red Sea at Gulf of Aden.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *