31 pulis napawatawan ng iba’t ibang parusang administratibo sa loob lang ng halos 2 buwan

0

Umabot sa 208 reklamong administratibo na kinasasakutan ng halos 800 pulis ang naihain sa PNP Internal Affairs Sevice (IAS), mula nang maupo sa pwesto si PNP Chief Gen. Nicolas Torre III.

Base sa datos ng PNP-IAS, mula June2 hangang July 25, 2025, siyam sa mga kasong ito ang naresolba na ng PNP.

Sa nasabing mga kaso, 31 mga pulis ang napatawan ng parusa kung saan 19 ang nadismiss o tuluyang inalis sa serbisyo.

Kabilang dito, ang isang police Lt. Col., tatlong police Major, habang 15 ang  non-commissioned officers.

Kasamang tinanggal ang apat na pulis sa Cotabato City, na nasangkot sa pangingikil ng 300 libong piso sa isang engineer.

Base sa reklamo, hinarass at inimpound ng mga pulis ang biktima dahil umano sa kahina-hinalang plaka ng kanyang sasakyan.

Kapalit ng pagbalik sa kanyang sasakyan,hiningan umano ng mga pulis ang biktima ng 300 libong piso dahilan para maghain sya ng reklamo na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga ito.

Muli namang nagpaalala ang PNP-IAS sa lahat ng mga pulis na tuparin ng maayos ang kanilang mandato, at iwasan na masangkot sa mga katiwalian dahil tiyak na may kalalagyan sila.

Mar Gabriel

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *