31 Pinoy OFWs ligtas na nakabalik sa bansa mula sa Gitnang Silangan

0

Courtesy: OWWA

Ligtas nang nakabalik sa bansa ang tatlompu’t isang mga Pinoy na nagpasyang lumikas mula sa Middle East dahil sa patuloy na tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.

Sinalubong ang mga ito ng mga kawani ng pamahalaan mula sa Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Health (DOH), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Courtesy: OWWA

Lulan ng Flight QR934 na lumapag sa NAIA Terminal 3, ang umuwing OFWs ay kinabibilangan ng 16 mula sa Israel, 3 mula sa Jordan, isa mula sa Palestine, at isa mula sa Qatar.

Kasama ng mga OFWs si DMW Secretary Hans Leo J. Cacdac sa kabuuan ng kanilang biyahe pauwi na siyang tumiyak na natutugunan ang lahat ng kanilang pangangailangan sa paglalakbay.

Courtesy: OWWA

Pagdating sa paliparan, agad silang sinalubong nina OWWA Administrator PY Caunan, at iba pang mga opisyal ng OWWA at DMW bilang bahagi ng whole-of-government approach sa pagtulong sa mga Pilipinong naapektuhan ng sitwasyon sa Middle East.

Sa tulong ng OWWA Regional Welfare Offices, ilan sa mga pamilya ng OFWs ang nakasama rin sa pagsalubong upang personal na masaksihan ang pagbabalik ng kanilang mga mahal sa buhay.

Courtesy: OWWA

Ngayong nakauwi na sila sa bansa, ang repatriated OFWs ay tatanggap ng financial assistance package mula sa DMW at OWWA, TESDA training vouchers, medical check-up, psychosocial support, at access sa iba’t ibang livelihood at reintegration programs mula sa OWWA at partner agencies.

Kasama sa mga ahensyang katuwang ng OWWA at DMW sa pagbibigay ng reintegration support ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employment (DOLE), TESDA, DOH, Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), at Department of Tourism (DOT) bilang bahagi ng whole-of-government response.

Courtesy: OWWA

Ang matagumpay na repatriation na ito ay patunay ng masinsinang koordinasyon ng OWWA at mga ahensyang kaagapay nito para matiyak ang seguridad, proteksyon, at maayos na pagbabalik ng ating mga OFW sa kanilang pamilya at komunidad.

Archie Amado

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *