34 pang mga pulis, nakarekober sa Covid-19

FB_IMG_1605487103744

Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga pulis na nakakarekober sa Covid-19.

Sa datos ng Philippine National Police, 34 pang pulis ang gumaling sa karamdaman kay pumalo na 7,240 ang mga nakarekober hanggang alas-6:00 kagabi.

Samantala, 48 pang karagdagang kaso ng Covid-19 ang naitala ng PNP kaya umakyat na sa 7,677 ang kabuuang kaso.

413 mula sa nasabing bilang ay aktibo.

Habang nanatili naman sa 24 ang death toll.