5 bayan sa Romblon idineklarang drug free ng PDEA
Idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency na may 5 pang bayan sa Romblon ang drug cleared.
Ayon sa PDEA MIMAROPA ang mga bayan na dineklaraga drug cleared ay Banton, Corcuera, Concepcion at San Andres at Santa Maria.
Nagtulong-tulong ang PDEA, Armed Forces of the Philippines, local government units at stakeholders para masubaybayan ang area.
Dagdag ng PDEA may ilang barangay pa sa Romblon na hindi naman naapektuhan ng ilegal na droga.
Ayon naman sa Dangerous Drug Board kinakailangang magkaroon ng mga drug rehabilitation center sa bawat bayan.
Patuloy naman babantayan ng mga pulis ang mga drug surrenderer na hindi na bumalik sa paggamit ng ipinagbabawal na droga.
Ulat ni: Carl Marx Bernardo