Biyahe ni Pangulong Duterte sa Japan hindi pa tiyak kung matutuloy

0
digong 1

Wala pa ring pinal na desisyon kaugnay sa nakatakdang biyahe ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan sa unang linggo ng Hunyo.

Ayon kay Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, hindi pa napag-uusapan  ang  nakatakdang  pagbisita ni Pangulong Duterte sa Japan.

Una rito, lumutang ang usap-usapan na kanselado na ang biyahe ng Pangulo sa Japan para maasikaso ang problema sa Mindanao na kasalukuyang nasa ilalim ng batas militar.

Nitong nakalipas na linggo , agad ding pinaiksi ng Pangulo ang kanyang biyahe sa Russia.

Iniulat ng Nikkei Asian Review na nakatakda sanang magtalumpati ang Presidente sa 23rd International Conference on the Future of Asia sa June 5 hanggang June 6 sa Tokyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *