Proclamation na magdedeklara sa NPA bilang terrorist group pinabubuo na ni Pangulong Duterte kina Executive Secretary Salvador Medialdea at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo
Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na balangkasin na ang proclamation order na magdedeklara sa New Peoples Army o NPA bilang terrorist group.
Sinabi ng Pangulo na ayaw na niyang kausapin ng NPA para sa usapang pangkapayapaan dahil sa kawalan ng sinseridad.
Ayon sa Pangulo handa siyang makipag- giyera sa NPA kung ito ang kanilang gusto sa halip na usapang pangkapayapaan.
Inihayag ng Pangulo ang patuloy na pagpatay ng NPA sa mga sundalo at pulis na nadadamay ang mga sibilyan gayundin ang mga kidnapping at extortion activities ay gawain na ng mga terorista na dapat sugpuin ng gobyerno.
Opisyal na ring naglabas ng pahayag ang tanggapan ng Presidential Adviser on the Peace Process na kanselado na ang lahat ng pakikipag-usap oangkapayapaan sa mga rebeldeng kumunista.
Ulat ni Vic Somintac