90 bagong recoveries mula sa Covid-19, naitala ng PNP

232913396_6003538726354000_6865280591418718340_n

Nakapagtala ng panibagong 90 recoveries mula sa Covid-19 ang Philippine National Police.

Dahil dito, batay sa datos ng PNP Health service, pumalo na sa 29,997 ang kabuuang mga gumaling sa karamdaman.

Gayunman, nakapagtala ng 146 bagong kaso ng Covid-19 ang PNP kaya umakyat na sa 31,933 ang kabuuang kaso ng virus infection na may 1,868 aktibong kaso.

Habang nanatili naman sa 88 ang death toll.