94 na indibidwal na sangkot sa illegal gambling arestado sa operasyon ng PNP Anti-Cybercrime group sa San vicente, Tarlac

0

Sinalakay ng mga operatiba ng PNP Anti-Cybercrime group (ACG), Tarlac police at Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR, ang isang event center sa San Vicente, Tarlac.

Inabutan ng mga awtoridad ang mga tao sa lugar habang nagsasagawa ng online at offline raffle, nang walang kaukulang permit at dokumento

Ayon Kay ACG Director Brig. Gen. Bernard Yang, ikinasa ang operasyon sa tulong ng impormasyon mula sa local government unit.

Lumalabas sa imbestigasyon na 5 taon nang nag-ooperate ang grupo na nagsasagwa ng raffle draw kada buwan sa iba’t ibang mga venue sa Luzon.

ACG Director Brig. Gen. Bernard Yang

Inaresto ng mga pulis ang 94 na indibidwal kabilang ang 3 financiers at operators, 18 admin staff, 43 head distributors, 19 distributors, at 11 agents.

Nakumpiska sa lugar ang ilang kagamitan sa raffle draw gaya ng raffle tickets, higanteng tambiyolo at ilan pang mga dokumento.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling, kaugnay ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Mar Gabriel

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *