Typhoon Kiko, lumabas na ng PAR; Batanes, nananatiling nasa signal no.1
Lumabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Typhoon Kiko.
Ayon sa PAGASA, lumabas na ng bansa ang bagyo kaninang 1:10 ng hapon.
Bagamat nasa labas na ng PAR, nananatiling nasa ilalim ng signal no. 1 ang Batanes.
Sa 11:00 am forecast ng PAGASA, namataan ang bagyo sa layong 395 kilometers North ng Itbayat, Batanes, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 175 km/h malapit sa gitna ang pagbugso ng hanggang 215 km/h/
Samantala, patuloy namang hahatakin ng bagyo ang Southwest Monsoon o Habagat na magdadala ng mga manaka-nakang pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at western section ng Central Luzon .
Dahil sa pinalalakas ng bagyo ang Habagat, nananatiling nakataas ang Gale warning sa Northern at Western seaboards ng Luzon kasama ang eastern seaboards ng Cagayan kaya pinag-iingat sa paglaalyag lalu ang mga may malilit na sasakyang pandagat.
Mapanganib din ang paglalayag sa seaboards ng Batanes at Babuyan islands dahil posibleng umabot ng 2.5 hanggang 6.0 meters ang taas ng alon.
Ayon sa weather bureau, sa ngayon ay wala pa silang namamataang sama ng panahon na maaaring mabuo sa loob at labas ng PAR sa susunod na mga araw.