Pinakamababang coronavirus death, naitala sa buong mundo
Bumaba sa lebel na hindi pa nangyari sa loob ng halos isang taon, ang lingguhang bilang ng mga namamatay sa buong mundo dahil sa COVID-19, batay sa official national figures.
Ang 53, 245 na naitalang namatay sa buong mundo sa pagitan ng September 27 at October 3, o average na 7,606 bawat araw, ay nagpapakitang patuloy ang pagbaba ng global pandemic na nagsimula noong Agosto, matapos ang peak na nasa 10,000 deaths kada araw.
Ang bagong weekly death toll figure ang pinakamababang naitala simula Oct 31-November 6, 2020.
Sa nakalipas na buwan, ang bilang ng Covid-19 related deaths ay bumagsak ng halos 1/3, habang sumusulong naman ang vaccination campaigns.
Makalipas ang isang taon ng Coronavirus waves, na iniuugnay partikular sa pagkalat ng mga variant kabilang na ang pinaka nakakahawang Delta variant, ang curve ng mga bagong kaso ay bumaba rin ng halos 1/3 kumpara sa pagtatapos ng Agosto.
Ngayong halos 81 doses ng anti-Covid-19 vaccine ang naibakuna na sa bawat 100 inhabitants sa buong mundo, umaasa ang mga awtoridad na magpapatuloy pa ang pagbaba nito, kahit na may malaki pa ring kakulangan sa pagitan ng mga rehiyon.
Mula nang unang madiskubre ang virus sa China sa huling bahagi ng 2019, 4.8 milyong katao na ang namatay sanhi ng Covid-19 sa buong mundo.
Una nang sinabi ng World Health Organization . . . “Taking into account excess mortality directly and indirectly linked to Covid-19, the pandemic’s true overall toll could be two to three times higher than official records.”